Children's Ministry sa gitna ng Pandemya
Jeremy H. Hamor
Alpha
Children's Ministry sa gitna ng pandemya
Ito'y isang ordinaryong pagtitipon ng mga bata sa amin na kung saan ay tinuturuan ng mga salita ng Diyos. Ito' y nangyayari tuwing hapon ng linggo. Ito'y ginagawa namin sa layuning mapaayos ang kanilang buhay, mailayo sa mga masasamang bagay at maturuan ng mga salita ng Diyos sa mura nilang edad. Ang pagtitipon na ito ay mayroong magandang naidudulot sa mga bata sapagkat natututo sila kung paano mag dasal, kung paano makipag usap sa Diyos. Sa panahon ngayon tayo'y nakakaranas ng matinding problema, tila tayo'y sinusubok ng panginoon. Pero subukan niyong tignan ang mga batang ito na kahit mahirap ay nagagawa parin nilang pumunta, mag pasalamat at mag bigay papuri sa diyos kahit tila nahihirapan sila sa kanilang suot na facemask.